Simpleng Maestra Poem Rhyme Scheme and Analysis

Rhyme Scheme: ABAC DEDD CFFA GDCF FGFG GEAD

Ako ay simpleng maestra sa dakilang probinsyaA
Naglilingkod nang tahimik kahit nasa tahanan paB
Ano nga ba ako ngayon sa panahon ng pandemyaA
Silbi ko ba'y di makita dahil wala sa kameraC
-
HIndi ako frontliner kung titingnan sa eksenaD
Ngunit tungkulin ko ay ginagawa wala man sa eskwelaE
Iba't ibang webinar nga ay dinaluhan ko naD
Upang kalidad ng edukasyon ay maiangat ko paD
-
Ano ba ang nais ninyo sa akin bilang maestraC
Ang magtrapik sa kalsada magpatrol at rumondaF
O di kaya'y sa ospital sa'kin kayo magpalistaF
Hawak ba'y attendance sheet sa pasyente ng ambulansyaA
-
Nais ni'yo bang ako naman sa mga pulis ay sumamaG
Quarantine pass ay hanapin kung kayo'y dadaan naD
Anong aking gagawin don Magtatanong ng AlgebraC
O History naman kaya kung saan kayo pupuntaF
-
Ngayong malapit na ang pasukan ako naman ang bibidaF
Sa panahon ng pandemya may new normal na sistemaG
Sa online registration kayo sana ay magpalistaF
Edukasyon isulong pa kapit bisig sama samaG
-
Maraming salamat sa pagtugon sa simpleng maestraG
Hangad ko ay kaligtasan ng mag aaral sa eskwelaE
Isulong din ang blended learning at pagsubok sa teknolohiyaA
Habang face to face na paraan ay hinihintay paD

Chris Lomat
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 05/29/2020



Rate:
(3)



Poem topics: , Print This Poem , Rhyme Scheme



Write your comment about Simpleng Maestra poem by Chris Lomat


CARMENCITA L. BALONZO: Mahusay po ang pagkakalikha ng tula at masustansya.
Marites R. San Diego : Anggaling nio po Mam Cris. Congratulations po. Angganda po ng tula.
 

Recent Interactions*

This poem was read 8 times,

This poem was added to the favorite list by 1 members,

This poem was voted by 2 members.

(* Interactions only in the last 7 days)

New Poems

Popular Poets