Isang mabuting maestra ang aking nakilala,
Sa bawat mag-aaral ay totoong huwaran ka.
Nagtuturong magkulay, magsulat at magbasa
Kaya naman mga bata ay nawiwiling talaga!

Isa kang kaibigan, O Maria Gracia;
Sa suliranin ay tumutulong tuwi-tuwina.
Hangad ko para sa'yo ay maging maligaya;
Laging maging masaya kasama ang pamilya.

Huwag ka sanang magbago sa panahong darating pa;
Patuloy mong ibahagi ang kabutihan sa iba.
Busilak mong kalooban maituro mo sana,
Sa mga musmos na isipan upang matuwid landas nila.

Manatili kang matatag ang payo ni "simpleng maestra",
Sa kabila ng problema ay laging manalig ka;
Problema ay lumilipas, magtiwala ka sana!
Ang Diyos ay iyong kaagapay, tawagin lang pangalan Niya.