Pipti -pipti (fifty-fifty) Poem Rhyme Scheme and Analysis

Rhyme Scheme: ABCB CADB AEBE FFBF AEDF

Nagsimula ang taon kong ako'y talagang maligayaA
Naglakbay sa Europa at Estado ng AmerikaB
Umuwi sa Pilipinas na may pag asang dala dalaC
Dahil maraming natutunan sa paglalakbay nang mag isaB
-
Positibong pananaw lang ang baon kong alaalaC
Sa buhay na matagumpay para na rin sa pamilyaA
Ngunit sa isang iglap lang isang positibong resultaD
Hindi ko ito inasahan ako ngayo'y nagdurusaB
-
'Di ko naman kasalanang mangarap para sa pamilyaA
Ngunit ngayo'y mag isang hinaharap ang problemaE
Sa apat na sulok ng ospital umiiyak nang mag isaB
Inilalaban aking buhay upang pamilya'y muling makasamaE
-
Hindi man siguradong ako ay lalabas paF
Pipti pipting paghinga ko aasahang tatagal paF
Sa Diyos na aking Ama ako'y patuloy na aasaB
Sa paggising sa umaga biyaya Niya ay sapat naF
-
Masakit man ang katawan ngunit ang puso ay maligayaA
Hindi ako nag iisa kasama ko'y aking AmaE
Sa pagdurusang nadarama panalangin ang sandataD
Ang Diyos ay laging tutugon para ako'y gumaling naF

Chris Lomat
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 05/28/2020



Rate:
(2)



Poem topics: , Print This Poem , Rhyme Scheme

Previous Poem Simpleng Maestra Poem>>


Write your comment about Pipti -pipti (fifty-fifty) poem by Chris Lomat


Lualhati Gabriel: The thought of the poem is very much relative to our present situation and truly experienced by OFW
Mary Grace bautista: very inspiring. punong-puno ng pag-asa sa kabila ng kinakaharap na pagsubok. Sa Kanya lamang talaga makasusumpong ng kapanatagan at kagalingan.
N.P.Labao: A very inspiring poem
 

Recent Interactions*

This poem was read 6 times,

This poem was added to the favorite list by 1 members,

This poem was voted by 1 members.

(* Interactions only in the last 7 days)

New Poems

Popular Poets