Kamusta Ka, Kabrigada! Poem Rhyme Scheme and Analysis

Rhyme Scheme: AABC DBAB EFBE CGCB GECH CIBC

Naaalala mo pa ba panahong sama samaA
Tayo ay lumalakad naglulunsad ng programaA
Masasaya sa parada sabay sabay kumakantaB
Lahat tayo'y nasasabik sa pasukang parating naC
-
Ngunit ngayon ay nagbago na sa panahon ng pandemyaD
Nasaan ang katuwang kong maglinis at magpintaB
Sadya nga bang nilimot na ang nakagawiang programaA
O naghihintay lang na magbukas ang paaralang sinisintaB
-
Kamusta ka Kabrigada Nasasabik ka rin baE
Bakit mukhang nasanay kang sa tahanan magpahingaF
Patuloy na lamang bang maghihintay ng ayudaB
Baka naman may sobra ka ibahagi mo sa ibaE
-
Sa panahon ng pandemya mag aaral namin ay kapos naC
Sa kakaunting pagkain hati hati pa silaG
Sa pagbili ng kwaderno lapis gunting at iba paC
Tulong ninyo'y mahalaga aking mga kabrigadaB
-
Alam kong iba ngayon ang sitwasyong dinadalaG
Mahirap ang pamumuhay nagtitipid din ang ibaE
Ngunit 'wag nating kalimutan ang mga batang musmos paC
Sa ating pagtutulungan tiyak sila ay giginhawaH
-
Ikaw aking kabrigada kung sa salapi ay salat kaC
Sa new normal na sistema subukan mong makiisaI
Sa bagong teknolohiya tulungan kaming iprisintaB
O di kaya' y ipagdasal nang tayo ay umusad naC

Chris Lomat
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 05/30/2020



Rate:
(2)



Poem topics: , Print This Poem , Rhyme Scheme



Write your comment about Kamusta Ka, Kabrigada! poem by Chris Lomat


 

Recent Interactions*

This poem was read 18 times,

This poem was added to the favorite list by 0 members,

This poem was voted by 1 members.

(* Interactions only in the last 7 days)

New Poems

Popular Poets