Sa bawat umaga,
tuwing ikaw ay nakikita,
ako sa iyo ay natutulala,
dahil sa taglay mong ngiti at tuwa.

Sino nga ba ang hindi mapapasaya,
Ng batang sa iyo ay laging nakatawa?
Bakit mo pipigilan ang tuwang nadarama
Kung sa isang paslit ikaw ay maligaya?

Ayaw ko nang pigilan pa ,
Ni ayaw ko nang mawala pa,
ang ngiti sa labi ng batang nagpapaligaya,
sa mga taong pagod sa maghapong gawa.

Oh bata, nawa sa iyong paglaki ,
ikaw ay maging mabuti,
di lamang sa iyong sarili
maging sa iyong magulang na ipinagmamalaki.

Lumipas man ang panahon,
Ikaw ay laging maging tugon,
sa mga taong may tanong,
kung bakit ba ganoon,

Dahil kami nasa paligid mo,
ay patuloy na umaasa sa'yo,
na hindi ka makakalimot,
at hindi magdadamot
sa mga aral na sa'yo
ay pinagkaloob at itinuro.