Isang pahina
Na puno ng mga alaala,
puno ng masaya-saya't
Puot na nangyari
sa aking buhay
Isang pahinang puno
Ng istorya

Pahinang
Puno ng pag-asa
At pangarap na
Mahirap tuparin
Pero kailan man
Hindi susukuan
Upang makamit
Ang tagumpay

Pahinang
Maraming naka tala
At mga aral sa
Pang araw na pamumuhay

Pahinang
Puno ng mga
Kaibigan at pamilya
na hindi
ka nila iiwan

Pahinang
Umaasang
Umibig at iibigin din
Ang hamak na
Manunulat
At ngayoy natupad rin