Kulay ng balat
minsa'y tampulan
ng tukso at pang-aapi

Ang kulay na ito
Minsa'y pinag uugatan
ng away at pananakit

Diskriminasyon
Yan ay aking kinamulatan
Pagkabata pa lang
Ay puno na ng pang-aasar
O panloloko

Puti, kayumangi o itim
Iba't ibang kulay ng balat
Pero bawat isa ay tao
Pa man din

Dapat ay pantay-pantay
At nagtutulungan
Hindi nag-aapakan
O naninirang puri
Dahil iisang ang lahi
Ang ating pinag ugatan

Lahing Pilipino