Ano nga ba ang kulang?
Matiwasay ang buhay, ngunit bakit may patlang?
Tila damdami'y hanap ay lambing,
Pagkat puso'y ito'y dinadaing.

Aanhin ang karangalan,
Kung isip tila di maunawaan?
Aanhin ang karangyaan,
Kung ang puso ay di maintindihan?

Nadarama ko ang katotohanan
Nilalamon ako ng kalungkutan
Ang puso'y puno ng katanungan
Nasaan ang aking kamalian?

Pagmamahal lamang ang nanaisin,
Uhaw kong damdamin.
Halaga ko'y sino mag aangkin
Hanggang kailan ko ito titiisin?

Hangad ko lamang ay tunay na kagalakan
Tipong walang madaramang alinlangan
Pagpapanggap ay hindi na kailangan
Ngunit kailan ko ito mararanasan?

Isa lamang itong hangarin ko
Mahalin ako ng totoo
Mula sa mga taong mahal ko
Upang sa kalungkuta'y makabangon ako

Dalangin ng puso'y hndi man sapat
Uhaw na damdamin hindi na sana mamarapat
Hndi man pahalagahan ng lahat
Pagmamahal ko'y patuloy na tapat

Darating ang panahon
Puso'y magiging mahinahon
Sa dilim ako'y makakaahon
At Wala ng sasayanging pagkakataon