Inay bakit?
Ako lang nman sayo'y pinagkaloob
Ngunit tila ika'y may sama ng loob
Sayo lang naman ako'y pinagkatiwala
Ngunit bakit ako'y binalewala

Bakit sa iba ako'y pagpapala
Gayo'y sayo ako'y pagkakasala
Ang mundo'y ninais sanang masaksihan
Ngunit ito'y Hindi mo hinayaang matunghayan

Sinilang mo ako ngunit ako'y iyong pinamigay
Ginawa ninyo ako bakit ako'y pinatay?
Hindi ko man alam ang iyong karanasan
Ang buhay ko sana'y iyong pinagbigyan

Ginawa ako ng walang sawa
Pinatay, pinamigay ng walang awa
Sa ginawa mo ba'y ika'y natuwa?
Ano kaya ngayon ang iyong ginagawa?

Nais sana kitang ipagmalaki
Na sa akin sana'y ikaw ang magpapalaki
Ngunit paano ko Ito magagawa,
Kung ako'y iyong hinayaang mawala

Bakit sa karanasan ng kahapon ako'y dinamay
Tila tinuring walang saysay,
Naghangad lang naman akong mabuhay
Nang sa iyong hinaharap ako'y iyong kaagapay

Paano ipaparamdam ang aking pagmamahal
Kung ang buhay di hinayaang tumagal
Paano kita matutulungan
Kung ako'y iniwan o tinuluyan man

Sa iyong sinapupunan ako'y magbabalik
Maramdaman sana ang iyong pagkasabik
Nang ako rin ay manabik
Sa iyong mga yakap at halik

Aking Inay
Ako lang sayo'y magmamahal ng totoo
Sa iyong sinapupunan hayaan sanang mabuo
Kalimutan natin ang karanasan ng kahapon
Sa aking paglabas Simula na ng ating pagbangon.