Tila ako' y naguguluhan
Sa mundong aking ginagalawan
Maging sa aking natutunghayan
Lahat ay wala ng kabuluhan
Maraming gumugulo sa aking isipan
Tila 'sang daang dalawa ang hantungan
Nais Kong hanapin ang kasagutan
Sa aking mga katanungan
Ngunit ako'y may pag alinlangan
Titigil ba o magpapatuloy sa paroroonan
Nais ko ng katiyakan
Kung ako'y may dapat abangan
Sabihin sa akin ano ang kailangan
Ang puso'y puno ng kalituhan
Ano ang gagawin? maari mo ba akong tulungan?
Nang paroroona'y mapagtagumpayan
Sa paroroonan ba'y may naghihintay,
Magandang bukas sa akin nakalaan?
May bukas bang dapat abangan,
Kung matagpua'y di panghihinayangan?
Alinlangan
Alexa Kae Navarro
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 06/18/2020
(1)
Poem topics: , Print This Poem , Rhyme Scheme
Write your comment about Alinlangan poem by Alexa Kae Navarro
Best Poems of Alexa Kae Navarro