Bakit nga bang lagi nalang sa tula?
Bakit sa lahat ng pagkakataon ito ay aking ginagawa?
Bakit ang damdamin ko’t emosyon dito napupunta?
Bakit hindi ko lahat ito maibigkas, at dito ko ipinapakita?

Bakit ba ako nagsusulat ng tula?
Minsan ay may tugma, minsan ay wala
Minsan ay may sukat, minsan ay malaya
dahil gusto ko ilabas lahat ng ito sa hawla

Bakit ba ako nagsusulat ng tula?
hindi ko rin alam kung bakit ba
Siguro may mga bagay na nais kong sabihin
mga bagay na ako mismo ay hindi kayang arukin

Bakit nga ba ang hirap sagutin ng bawat tanong?
sa bawat tanong na pilit naming binubulong.
May mga kasagutan ngunit ito ay nakakulong
at tila sa tulang ito aking itinatanong.

Bakit ba ako nagsusulat ng tula?
dahil baka marami akong karanasan sa buhay
na hindi ko mailabas at ibinaon ko nalang sa hukay,
tila ang buhay ko ay hindi na nabigyan ng kulay.