internetPoem.com Login

Nakita Ang Liwanag

Audel Ken Santillan

O mga bituin sa langit
Ika'y minsa'y di na nakita
At di napansin ang iyong ganda
Nang dahil sa bagong teknolohiya
Na bumihag sa aking mga mata

At ngayo'y napadpad sa isla
Malayong malayo pa
Huling-huli pa sa teknolohiya
Pagsapit ng dilim wala ng magawa
Kaya minsa'y lumabas at tumingala

Ang iyong ganda na muli'y nakita
Nasilayan liwanag na kumikislap
Maliliit na liwanag sa kadiliman
Nagbigay ningning sa gabing madilim
Gayon sa dilim ng buhay may ningning ding makikita

(C) Audel Ken Santillan
10/05/2020


Best Poems of Audel Ken Santillan