internetPoem.com Login

Abot Langit

Audel Ken Santillan

Ang dati ay susungkitin mga bituin
Langit ay aakyatin maabot lamang ang buwan
Para mahandog lamang sa isang hinahangaan
Sa isang magandang babae na nagugustohan

At sa ngayon nga ay ang sariling kaisipan
Biglang na lamang nabago ng kabaliktaran
Dahilan sa siya ay naging parang bituin at buwan
Na sa sobrang taas, mahirap nang abutin

Kaya nama'y binitawan ang hinahangaan
Ngayo'y nanghihinayang na lamang
Kaloob-looban biglang napanghihinaan
Kaya nalusaw ang sariling kagustohan

(C) Audel Ken Santillan
10/05/2020


Best Poems of Audel Ken Santillan