Sa Aking Pagpanaw
wag kang pumunta sa libing ko
hindi kita kailangan
sa mga panahong ako ay nangailangan at pinili mong wag akong tulungan
sa panahong ako ay umiiyak at ako ay hindi mo dinamayan
sa mga panahong ako ay nagdadalamhati at wala kang pakialam
sa mga panahong ako ay may sakit at ako ay iyong iniwanan
sa mga panahong tingin mo sa akin ay perwisyo, dagdag pasakit,istorbo, pobre at sakit sa ulo
ngaun ako ay wala na huwag mo akong alalahanin
huwag kang dadalaw at pupunta sa aking burol o libing
hindi ko kailangan ang iyong pakikiramay
hindi ko kailangan ang iyong luha
wala tayong magandang pinagsamahan
mabuhay ka kagaya ng dati huwag mo akong pag ukulan ng pansin
nabuhay ako ng wala ka at mamamatay akong wala ka din
huwag kang magkunwari huwag kang malungkot
huwag kang iiyak hindi ko yun kailangan
noon sanang buhay ako noon mo sna ako naalala...
Hilda Gumsat
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 08/15/2020
Poet's note: It is about death and passing
The copyright of the poems published here are belong to their poets.
Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.