Taimtim
Maging ang pinakamadilim na lambak ay tatahakin
Lahat ay hahamakin kung ito'y iyong nanaisin
Puso ko'y tanggapin , sakupin at angkinin
Buhay ko'y sayo na mula ng kasalanan ko'y akuhin
Panginoon takpan mo ang aking mga mata
At tanggalin ang aking paningin
Nang sagayon ay aking makita ang ibig mong ipakita
At ito ang tanging pagbibigyang pansin
Sa mga panahong pangalan Mo'y hindi na masambit ng aking bibig
Pakinggan mo ang aking puso at doon ay maririnig
Sakabila ng tikom na bibig
Ang mga kalaban ay maririndi at madadaig
Sakabila ng tikom na bibig
Pangalan mo'y maririnig sa buong daigdig
Eashane Craie Mejia
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 07/08/2020
The copyright of the poems published here are belong to their poets.
Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.