Sana'y Maintindihan

Pwede bang maging masaya?
Minsan naging tama din ba:
Na piliin ang sariling kasiyahan?
O palagi na lamang bang:
Piliin ang kasiyahan ng iba?
Kahit dulot ay pighati't sakit

Kaya'y minsan napag-isipan
At napagpasyahan
Na mag pakasaya
Sa isang saglit man lamang
Habang hawak hawak
Isang basong alak.

Matatapos ang saglit na kasiyahan
Sa isang saglit rin lamang
mapapa-isip na lang
Kasabay ng pagtulo ng luha
Bakit di kayang ipaglaban
Ang sariling kagustohan

Ito ba'y kaduwagan?
Minsan ba ang pagparaya'y:
Hindi matuturing na katapangan?
Minsan ba'y naging madali;
Ang pagpaparayang gagawin?
Kahit ito'y mahirap at sobrang sakit.

Audel Ken Santillan
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 10/05/2020

Poet's note: Be brave
The copyright of the poems published here are belong to their poets. Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.