Penge'ng Tulong

Hirap pala hawakan
Ang akala'y di mabibigatan
Parang magaan lamang
Bat ang bigat-bigat naman

Sa una palang pahirapan na
Parang itoy susukuan ko na
Madaming nakakalimutan
Madaming di naiintindihan

At sarili'y natanong
Bat nagkaganito?
Hirap ay naranasan
Bat wala man lang tumulong?

Ang akala'y alam ko na lahat
Na natutuhan na'ng lahat
Pero natauhan at nalaman
Na kailangan din pala'y tulong ng iba

Minsa'y sarili nalang nakikita
Nakakalimut sa iba
Na para bang kaya na lahat
Pero sa huli'y sarili'y lubos na pinahirapan

Audel Ken Santillan
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 10/05/2020

Poet's note: If you need help, ask for help
The copyright of the poems published here are belong to their poets. Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.