Akala Ko Yun, Pero Hindi

O pag-ibig, bat ka ganito?
Hirap mong hanapin
Kapag nahanap nama'y
Hirap di'ng pakisamahan

Akoy sobrang naguguluhan
Kung bakit minsa'y
Hanggang sa simula ka lamang
Palaging hanggang pakilig-kilig lamang

Kaya nga minsa'y, di ko malaman
Dahil sa pagka-bulag sa kilig
Na panandaliang naranasan
Pagkatapos ay iniwanan

Iniwan dahil ang sabi'y
Wala ng kilig, patay na'ng pag-ibig
Sa dalawang magkasintahan
Kaya naghiwalay na nga ng lubusan

Kaya ngayo'y nalaman
Ang pag-ibig ay hindi kilig lamang
Kundi ito'y hanggang dulo'y kaya ka'ng samahan
Kahit mawala na ang kiligan.

Audel Ken Santillan
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 10/05/2020

Poet's note: Drawn from poet's personal experienced
The copyright of the poems published here are belong to their poets. Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.