Pagpaparaya

Ako'y naririto pa rin,
Nagtataka't pinipilit intindihin.
Ako ba ay may dapat hintayin?
O srili ko'y dapat ko ng ayusin?

Babalik ka pa ba?
Sapagkat ako ay nababalisa.
Hihintayin ba kita?
O ako'y dapat ng magparaya.

Noon ay sabay tayong nangarap,
Isang gabi na tayo'y nag-uusap.
Sinisilayan ang ganda ng alapaap,
Nadarama ay hindi pagpapanggap.

Ngayon?

Nakita ko ang ligaya sa iyong mga mata.
walang kalagyan ang saya,
Ngunit hindi ako ang iyong kasama.
Oh Kaysarap niyo pagmasdan dalawa.

Luha ko'y pinunasan.
Lumisan ako sa inyong kasiyahan.
Upang ako'y hindi mo masilayan,
At masira ang inyong tawanan.

Agad ko itong tinanggap.
Na kasiyahan hndi sa akin nahanap
Kahit hindi na tayo nag-usap,
Dalangin ko'y matupad ang iyong pangarap.

Sa aking pagbitaw,
Kasabay ng paglubog ng araw,
Ang mga tawanan at hagikgikan
Na hindi ko na sa iyo mararanasan.

Ibibigay ang iyong kalayaan,
sapagkat hangad mo ang kasiyahan.
Sarili'y hindi pagpipilitan,
Ni pagsiksikan man.

Bibitawan ang lahat,
Kung ito ang mamarapat.
Upang mawala ang bigat
Sa damdamin na hindi nman dapat.

Hindi man ako naging sapat,
Ngunit ako'y naging tapat.
Ako pa rin ay nagpapasalamat,
Sa sandaling panahon ngayon lang nagkalamat.

Salamat sa sandaling ikaw ay akin pa.
Naging masaya't wala ng hiniling pa.
Ngunit ngayon ay tatapusin na,
Sapagkat ikaw ay PINAPALAYA na.

Alexa Kae Navarro
(C) All Rights Reserved. Poem Submitted on 04/22/2021

Poet's note: Bitawan kung ano ang nagpapabigat. I hope someday mabasa mo to masaya ko para sayo.
The copyright of the poems published here are belong to their poets. Internetpoem.com is a non-profit poetry portal. All information in here has been published only for educational and informational purposes.